Reminder

Most of my daily post were scheduled.

I’ve made this blog na stress-reliever ko. Madalas random post lang about something. Feel free to leave a reply about my posts. Most of the photos and gifs are not mine. May naka-indicate naman na credits to the owner.

May mga post na password protected. If you are curious about it pwedeng ibigay ko ‘yong password.

For any questions or complaints, mag leave na lang kayo nang mga replies.

The A in my N_me

I should be sleeping. It’s late but I need to check things up.

 

Pero may nakita akong gif. I’d like to send it to someone pero nahihiya ako.

Lagi ko kasi siyang kinakagat. Kapag nanggigil na ako parang nasasatisfy ako kapag nakagat ko na siya. Hahahahaha. Hindi naman talaga ako mahilig mangagat. Pero kapag nakikita ko talaga siya biglang parang gigil overload. I’m like, “Ang cute mo. Pakagat.”

Ayoko talagang maging rude and as possible I’m trying to be nice and a little friendly. Kaso naiirita talaga ako kapag may nagcocompare nang sarili nila sa ‘kanya’. Nagiging war-freak ako bigla eh. Hindi ko ugaling magtalak pero hindi ako titigil hanggang hindi mabasag ang eardrums nang lapastangan na ‘yan. Gusto ko tuloy sabihin na, “So sinong bagay sakin? Ikaw? Psh.” Lakas makapagyabang hindi naman kayang tagalan pagsusungit ko.

Recently kasi nagkayayaan na uminom sa apartment ng isang friend ko. Knowing na cocktail lang naman, pumayag ako. Isang round lang dahil baka biglang maging hypebeast ako. Bale dalawa lang kaming uminom dahil ‘yong isang friend namin kailangan nang umuwi then ‘yong isa missing in action. Kauubos lang namin noong nasa pitcher then dumating ‘yong pinsan ng friend ko. Bale that time kasi hinihintay lang namin mainin ‘yong kanin. Dahil doon na din ako magdidinner. Hindi ko na maalala kung paano napunta ‘yong topic sakin. Basta bigla na lang nila ako napagkwento about samin.

Hindi talaga ako mahilig magkwento. Although they’re close to me may mga off-limits and off-topics na nirerespect nila. Back to the story. Nagkwento ako. Tipsy na ako noon dahil backstabber ‘yong ininom namin. Then noong nasa part ata ako nang about sa holding hands, bigla silang nagtilian. Naramdaman ko na lang na namumula ako. Biglang uminit ‘yong magkabilang pisngi ko.

Dahil nga natamaan na ako. Diniscribe ko pa kung ano ‘yong feeling. This and that. Ayoko talagang magkwento. Pero thanks sa alcohol. Kilig na kilig sila. And even ask me kung saan ko siya nakilala.

I jokingly answered na nakita ko siya somewhere and ask if my girlfriend siya dahil kung wala ako na lang total wala akong boyfriend. And he gladly answered na okay lang. 

They rarely heard stories na ganoon sakin. Kaya talagang tinodo nila magpakwento at magcomment. Bonus na lang ‘yong kilig factor.

‘Yong pinsan kasi nang friend ko niloko ng ex niya then after that wala na. Although gusto niya na magka-boyfriend pero may part pa rin na takot. Napakwento tuloy ako about sa unang conversation namin sa messenger. Na nagstart lahat sa isang cute na sticker na pusa na kumakaway. ‘yong pinapahulaan niya kung taga-saan siya and I answered Mindanao. Tawa sila nang tawa.

Napaamin tuloy ako about the feels. Hahaha. Na gustong-gusto ko siyang niyayakap kasi ang lambot niya. Hahahahahaha. Tapos ang cute pa.

Basically, hindi talaga ako nag-oopen ng mga ganito sa real world. Kaya maraming nagkakamali na babae ang gusto ko. Madalas kasi niyayakap ko ‘yong mga close ko na mga classmates ko. Or swinisweet talk ko.

May time na napadalas kasi mga post ko na madadrama sa Facebook then biglang may nagtanong sakin. Sabi niya, “Didiretsahin na kita ha. May boyfriend ka ba?” Then sumagot ako nang,”Oo.” Sinabi ba naman na akala daw kasi nila babae ang trip ko. Wow ha. So babae pala ang akala nila sa ‘tinutukoy ko’ sa mga post ko.

Tinatantanan din ako noong ibang sumusubok sa pasensya ko kapag sinasabi ko na babae ang gusto ko or kung may kapatid siyang babae, bale ireto na lang ako doon. Atras agad eh. Ano kayo ngayon.

Lalake ang gusto ko. Ano ba. Hahahahahaha. I keep blabbing about him sa mga guy friends ko. Mas marami talagang nakakaalam na guy friends ko tungkol sa kanya. I find the endearment ‘mahal’ corny dati pero gusto ko na ata ngayon.

Unfortunately hindi ko na siya mahal dahil mas mahal ko na siya ngayon. Hahahahaha.

Ang problema lang kasi sa side ko. Conflict of interests. Kaunti lang talaga sa mga friends ko ang nakakaalam. Nag-away pa kami ng isang friend ko dahil dito. And now, wala pa rin kaming maayos na pag-uusap. But it’s okay. Mabuti na lang nakakatindi ‘yong mga nakakalaam. Pero siyempre they are concern. They keep on asking about the status and so on.

May mga tao lang talaga na tinetake advantage ‘yong situation. So they keep on pestering me. Kaya gumawa ako ng isang private account. Para kahit mag-post ako ng mga pictures together wala na akong iisipin na baka magleak ang info sa iba. Nakakairita kasi na ang kakapal ng mga mukha na makipagflirt kahit it’s all clear na I’m not interested and I’m in relationship. Kapag may napost ako na bitter something naka-abang talaga sa break up. Tatanong na agad if pwede magdinner together or if I have any plans for a specific date. Wish niyo na lang ‘yan sa star, sa star na matagal nang patay.

I really ♥ this man. Kahit lagi akong naiinis at nagagalit. Sabi ko nga sa isang close friend ko months ago, sa kanya lang ako kinilig. Hahaha. Kaya kapag magkasama kami hindi ko hinahayaang mamula ang pisngi ko. Hindi ako sanay eh.

Nauso kasi noon ‘yong about sa magsesend ng emoji na baby sa ka-chat then magtatanong kung anong tawag doon. Tapos kapag sumagot na baby, ang reply na yes baby? Sinubukan niya sakin. Hahahahaha. Tawa ako nang tawa pero kinilig ako. Ayoko lang aminin. Pero Oo.

Namimiss ko na siya.

***Credits to the rightful owners of those gifs and this post is scheduled to be posted 5:30 am, February 17, 2018***

Of All The A’s This One Is. . .

‘Yong isa sa mga friend ko noon lagi akong tinatanong kung sino ba ‘yong lagi kong ka-chat sa messenger. Lagi kasi niyang hinihiram ‘yong phone ko then chinecheck ‘yong gallery kung may mga bagong puns or meme na nakasave. Then bigla niya akong tinanong kung sino ‘yong kachat ko na guy. Since busy ako dahil abala ko sa paghahanap ng isang bagay sa bag ko bigla ko na lang sinagot na future boyfriend ko.

Bigla niya akong tinignan then nagreact lang nang, “Eh?!”

Linked ako noon sa isang tao. And those who knew about it was expecting na may reconciliation dahil muntik ko na siyang maging boyfriend pero may nalaman ako. Kaya nagulat ‘yong friend ko dahil akala niya magkakaayos kami noong linked sakin na guy. I kept on explaining naman sa kanila na there is no such thing as second chance samin. Napatawad ko na tapos wala nang dapat i-expect.

Nakita pala niya ‘yong pictures na sinesend ‘nong ‘A’ na ‘to sakin. Anyway, the guy that I’m talking about kanina na linked sakin ay ‘A’ din ang initial. Then one of my ex ‘A’ din ang initial. Other who plan to pursue me marami din ang ‘A’ ang initial. Kaya nga kung maglalagay kami ng code sa kanila dapat hindi naka-base sa mga initials dahil magkakandalito na.

My friend asked me kung seryoso ako. Sinabi ko na ‘Oo’ although wala naman talaga akong nakikita na magiging kami or what. Kaya daw pala lagi kaming magka-chat nitong ‘A’ na ‘to and may pictures pa sa phone ko.

Sinave ko lang talaga ‘yong mga pictures na sinesend niya dahil ang cute niya. Hahaha. Tapos natutuwa lang ako. Basta.

Wala talaga silang idea kung sino ‘yong ‘A’ na ‘to dahil madami ngang ‘A’ na kilala nila.

Pinagtatapat na nila ako noon if ano ba talagang status namin. Nagkikibit-balikat lang ako. Or sasagot ako na boyfriend ko tapos may pahabol na hindi niya lang alam.

I love this ‘A’ dati kasi ‘A’ sa grade lang ang minamahal ko. This one is . . . . .